DALAMPASIGAN by cihjei
DAGAT, ISA KANG PAHINGAAN
(cihjei)
Sa mundong puno ng mga problema,
Na hindi matakasan, hindi maidaan sa tawa
Nagbibigay kapootan sa ating isipan
Magugulong sitwasyon na hindi maintindihan
Nag-iisip ng tanging paraan
Upang sakit na nadarama'y maibsan
Ang iba'y hindi tao ang kailangan
Sa mga problema na dapat ay masolusyonan
Ngunit isang lugar na isang pahingaan
Dagat, dagat ang napili
Munting problema ay iwinawaksi
Isang paraiso na kay sarap pagmasdan
Ikaw ay aking napili
Sapagkat sa'yo nahahanap ang munting pagkawili
Sa pagsulyap at tanaw lamang na aking gawin
Tahimik at payapang isip ay aking dadamhin
Dagat, isa kang medisina para sa lahat
Sa puso at isip ng bawat
Taong lubog sa mga problema
Mga taong may iba't ibang emosyong nadarama
Lilipas ang mga araw
Ikaw pa rin ang magiging tanaw
Tatakasan ang lahat sa mundo
Upang kasiyahan sa aking puso ay mabuo
Mga sandaling tulong upang makalimot
Sa mga bangungot at pagkasalimuot
Dagat, ikaw ang patuloy na pahingaan
Sa mundong ibabaw, na kung saan ipapakita sa lahat
Na hindi lang sa tao mahahanap ang pahinga at sandaling kasiyahan