GINANON BA NAMAN AKO! by herald dave

GINANON BA NAMAN AKO?

Isa o dalawa ? Ilang taon na ba ang nakalipas?
Mula ng ang pagmanahalan natin ay nagwakas
Tatlo, apat, apat na taong ako'y nasa piling mo
Hindi ko inaaakala na GINANON BA NAMAN AKO!

Lima, limang linggong ako'y iyak ng iyak
Dahil ang puso ko ay talagang nabiyak
Anim, anim na katanungan ang laging binibitawan
GINANON BA NAMAN AKO, sa milyong tao sa kalawakan

Pito, pitong mahalagang tao sa buhay ko ay umalis
Dahil inuna kita, minahal kita ng labis
Walo, walong payo ang hindi ko pinakinggan para sayo
Ngunit biglang nalaman ko, GINANON BA NAMAN AKO